![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa buong daigdig, ang Beijing Fair ang kauna-unahang komprehensibong pandaigdigang plataporma sa antas ng bansa na esepsyal na itinatag para sa kalakalan ng serbisyo. Sa taong ito, mahigit 26.2 libong kinatawan mula sa 117 bansa at rehiyon ang kalahok sa perya at magkakasamang tatalakayin dito ang mga isyung tulad ng sustenableng pag-unlad ng industriya ng serbisyo at iba pa.
Ang industriya ng serbisyo ay pangunahing bahagi ng modernong industriya at nagpapatingkad ito ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan, pagkakabalanse ng relasyon ng suplay at pangangailangan, pagtatatag ng presyo sa pamilihan at iba pa. Ipinahayag ni Supachai Panitchpakdi, Secretary-General of the UN Conference on Trade and Development (UNCTAD), na sa background ng di-mabuting kalagayang pangkabuhayan, ang industriya ng serbisyo ay gaganap ng mahalagang papel sa pagbangon ng daigdig at pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Sa kasalukuyan, medyo mabagal ang pag-unlad ng industriya ng serbisyo ng Tsina. Ipinahayag ni Jiang Zengwei, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina na ang buong lakas na pagpapaunlad ng industriya ng serbisyo at kalakalan sa mga serbisyo ay mahalagang nilalaman ng patakaran ng Pamahalaang Tsino sa bukas na bagong kabuhayan, at ito ay mahalagang paraan para sa Tsina na malalim na makisangkot sa pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan. Sinabi niyang sa hinahrap, lalo pang patataasin ng Tsina ang lebel ng pagbubukas sa labas sa larangan ng kalakalan ng serbisyo, lilikha ng mabuting kapaligiran para sa pag-unlad ng kalakalan ng serbisyo at palalakasin ang kooperasyon ng iba't ibang panig sa kalakalan ng serbisyo para magkakasamang pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng larangang ito.
Sinabi rin ni Jiang na sa kasalukuyan, ang kalakalan ng serbisyo ay naging bagong puwersang tagapagpasulong ng paglaki ng kabuhayan at kalakalan sa buong daigdig at ang Beijing Fair ay isang mainam na plataporma na angkop sa tunguhing ito.
Kalahok rin sa Beijing Fair ang mga opisyal ng iba't ibang bansa. Ipinahayag ng isang opsiyal mula sa Ministri ng Kabuhayan ng Argentina na nagsisikap ang kanyang bansa na maghanap ng pagkakataon ng pakikipagkooperasyon sa Tsina para magkasamang mapasulong ang pag-unlad ng kalakan ng serbisyo ng dalawang bansa. Sinabi niyang ang Argentina ay lumahok sa Beijing Fair sa layong makipagtalakayan sa mga lider ng iba't ibang bansa hinggil sa isyu ng modelo ng pag-unlad ng industriya ng serbisyo sa mga umuunlad na bansa. Umaasa siyang sa pamamagitan ng Beijing Fair, mapapalakas ang pagpapalitan at komunikasyon ng iba't ibang bansa at mapapalalim ang kooperasyon nila, para magkakasamang mapasulong ang mas mabuti at mas mabilis na pag-unlad ng kalakalan ng serbisyo sa buong daigdig.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |