|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na noong 1945, sumuko ang Hapon, tinanggap ng Hapon ang "Potsdam Proclamation" at idineklara nito ang walang pasubaling pagsuko. Ang mga ito aniya ay makatotohanan at hinding-hindi mapapabulaanan.
Winika ito ni Wang bilang tugon sa may-kinalamang pananalita ni Shuga Yoshihide, Chief Cabinet Secretary ng Hapon.
Ipinahayag ni Wang na ang posisyon ng panig Hapones ay kulang sa karaniwang kaalaman, at hindi ito nauunawaan. Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Hapones na muling pag-aralan ang "Potsdam Proclamation" at "Cairo Declaration," at huwag magpalabas ng mga pananalitang kulang sa karaniwang kaalaman.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |