|
||||||||
|
||
Mula ika-6 hanggang ika-8 ng susunod na buwan, bubuksan sa lunsod ng Kunming, Tsina ang Ika-11 Promosyon ng Pamumuhunan ng mga Mangangalakal na Chinese-ASEAN hinggil sa mga Proyekto sa Timog Kanluran ng Tsina, at Porum ng mga Mangangalakal na Chinese-ASEAN. Ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ang magiging tampok ng naturang porum.
Iimbitahan sa porum na ito ang mga may kinalamang namamahalang tauhan ng Union of Myanmar Federation of Chambers of Commerce and Industry (UMFCCI) at mga kinatawan ng Myanmar para magsagawa ng talumpati at promosyon hinggil sa kapaligirang pampamumuhunan, patakaran, at iba pang kinauukulang regulasyon tungkol sa pamumuhunan sa Myanmar.
Ayon sa ulat, nakapagrehistro na sa ngayon ang 370 mangangalakal na Tsino mula sa mahigit 20 bansa't rehiyon para lumahok sa porum.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |