Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, dumating sa Trinidad and Tobago

(GMT+08:00) 2013-06-01 14:24:53       CRI

Dumating kahapon sa Port of Spain, kabisera ng Trinidad and Tobago, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.

Sa paliparan, ipinahayag ni Xi ang taos-pusong pangungumusta at mabuting hangarin sa mga mamamayan ng Trinidad and Tobago, sa ngalan ng mga mamamayang Tsino. Ipinahayag niyang ang Trinidad and Tobago ay isang mahalagang bansa sa rehiyon ng Caribbean. Aniya, ang pagpapatatag at pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa ay hindi lamang magdudulot ng benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan, kundi makakabuti rin sa pagpapasulong ng pagkakaisa at pagtutulungan ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito. Nagpahayag din siya ng pag-asang, sa kanyang pakikipagtagpo kina Pangulong Anthony Carmona at Punong Ministro Kamla Persad-Bissessar ng Trinidad and Tobago, magpapalitan sila ng palagay hinggil sa bilateral na relasyon at mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.

Napag-alamang sa kanyang pananatili sa Port of Spain, makikipagtagpo rin si Xi sa mga lider ng mga iba pang bansa sa rehiyon ng Caribbean, para talakayin ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon at pagpapataas sa bagong lebel ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang ito.

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>