|
||||||||
|
||
Ayon sa impormasyon sa website ng China Earthquake Networks Center (CENC), ganap na ala una kuwarenta y singko (1:43) ng hapon ngayong araw (Beijing Time), niyanig ng lindol na may lakas na 6.7 sa Richter Scale ang Nantou, isang bayan sa Lalawigang Taiwan ng Tsina.
Kinumpirma rin ang impormasyon ng departamentong meteorolohikal ng Taiwan.
Naramdaman ang lindol sa iba pang lugar ng Taiwan na gaya ng Taipei, Kaohsiung at Taichung.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang naiulat na kasuwalti sa kagaganap na lindol.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |