Idinaos kahapon sa Phuket ang ika-2 Joint Committee Meeting on Marine Cooperation ng Tsina at Thailand, para ibayo pang pahigpitin ang kooperasyon ng dalawang panig sa dagat.
Pinagtibay sa pulong na ito, ang plano ng kooperasyon ng dalawang panig sa dagat, mula taong 2014 hanggang 2018.
Iniharap ni Chen Lianzeng, Pangalawang Puno ng Pambansang Kawanihang Pandagat ng Tsina, ang mga mungkahi hinggil sa kooperasyon ng dalawang panig na gaya ng pagpapasulong ng konstruksyon ng research center hinggil sa sistemang ekolohikal ng dagat, at pagkatig sa paglahok ng dumaraming organisasyong pandagat ng dalawang panig sa naturang kooperasyon.