Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi ng Tsina, nagtalumpati sa Mexico

(GMT+08:00) 2013-06-06 17:46:05       CRI
Nagtalumpati kahapon ng umaga (local time) sa Mataas na Kapulungan ng Mexico ni Xi Jinping, Pangulong Tsino na dumadalaw sa Mexico. Sa kanyang talumpati, ganap na inilahad ni Pangulong Xi ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Mexico, at ang plano para sa hinaharap hinggil sa relasyon ng Tsina at mga bansang Latin-Amerikano.

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangulong Xi na ang naturang pagdalaw niya sa Mexico ay naglalayong palalimin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, palawakin ang kooperasyon, at balangkasin, kasama ng mga lider ng Mexico, ang blueprint ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Mexico.

Nauna rito, sa pag-uusap nina Pangulong Xi at Pangulong Enrique Peña Nieto ng Mexico, ipinatalastas ng mga lider ng dalawang bansa ang pag-aangat ng relasyon ng dalawang bansa sa komprehensibong estratehikong partnership. Para sa kapuwa Tsina at Mexico, ito ay isang bagong pagkakataon ng pag-unlad, at ito ay makakabuti rin sa maayos na paglutas ng mga kahirapan sa relasyon ng dalawang bansa. Halimbawa, sa mula't mula pa'y, isyu na ang trade deficit na hadlang sa pagitan ng Tsina at Mexico. Hinggil dito, ipinahayag ni Pangulong Xi sa kanyang talumpati na nakahanda ang Tsina na mapanatili ang bukas na pakikitungo, lutasin ang mga kahirapan sa pamamagitan ng diyalogo, para pasulungin ang magkasamang pag-unlad, at likhain ang mainam na kapaligiran para sa pagpapalawak ng bilateral na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan.

Bukod sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, ang pagpapalitang di-pampamahalaan ng Tsina at Mexico ay naging isang mahalagang tulay ng pagpapalitan ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Pangulong Xi na ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa ay puwersang tagapagpasulong ng pangmatagalang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at dapat walang humpay na palawakin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan para lalo pang pasulungin ang pagkakaibigan ng Tsina at Mexico.

Ang Mexico ay mahalagang bansa sa rehiyong Latin-Amerika. Ang mainam na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Mexico ay maaaring magsulong ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga bansang Latin-Amerikano. Sa kanyang talumpati, inilahad rin ni Pangulong Xi ang kinabukasan ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga bansang Latin-Amerikano. Ipinalalagay niyang sa larangang pulitikal, dapat igalang at katigan ng isa't isa ang mga isyung may kinalaman ng nekleong kapakanan ng dalawang panig; sa larangang pangkabuhayan, dapat samantalahin ng Tsina at mga bansang Latin-Amerikano ang pagkakataon, para itatag ang pangmatagalan at matatag na pangkooperasyong relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan; sa larangang kultural, dapat palakasin ng dalawang panig ang diyalogo at pagpapalitan.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>