Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na noong ika-29 ng nagdaang Mayo, idinaos sa Bangkok, Thailand ang ika-8 Pulong ng Magkakasanib na Working Group para mapatupad ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea o DOC. Dumalo aniya sa pulong ang mga kinatawan ng Tsina at mga bansang ASEAN at ipinahayag nila na nakahanda silang patuloy na matatag na pasulungin ang proseso ng "South China Sea Code of Conduct."
Ani Hong, sumang-ayon ang mga kinatawan na patuloy na komprehensibong mabisang isakatuparan ang DOC, at tinalakay rin ang hinggil sa mga mahalagang larangan sa pagsasakatuparan nito at pagpapasulong sa konstruksyon ng mekanismo. Tinalakay din nila kung papaanong mapapasulong ang proseso ng "South China Sea Code of Conduct," at sinang-ayunang sa proseso ng pagsasakatuparan ng DOC, patuloy na matatag na pasusulungin ang "South China Sea Code of Conduct."
Salin: Andrea