|
||||||||
|
||
Pagkaraan ng pagtatagpo kahapon sa Annenberg Retreat, California, nina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang kanyang counterpart na Amerikano na si Barack Obama, magkasama silang nakipagpakita sa mga mamamahayag.
Ipinahayag ng Pangulong Tsino na sa pagtatagpo, malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa patakarang panloob at panlabas ng isa't isa, bagong relasyong Sino-Amerikano, at mga mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan, at narating nila ang mahalagang komong palagay.
Dagdag pa ni Xi, buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng mapayapang pag-unlad, at buong tatag ding palalalimin ang reporma, palalawakin ang pagbubukas sa labas, at magsisikap ang buong bansa para maisakatuparan ang "China Dream" ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino. Magsisikap din aniya ang Tsina para mapasulong ang usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng buong sangkatauhan.
Ipinahayag naman ni Obama na konstruktibo ang ginawang pag-uusap nila ni Xi hinggil sa malawakang tema.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |