Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Bangkok kay Chen Jingwei, Pangalawang Puno ng Lupong Pangkabuhayan ng CPPCC at kanyang entorahe, ipinahayag ni Punong Ministrong Yingluck Shinawatra ng Thailand, na matagumpay ang mga bahay-kalakal na Tsino sa katatapos na public bidding sa mga proyektong pang-imprastruktura ng Thailand, at hinihintay ng kanyang bansa ang pamumuhunan sa larangang ito mula sa HK at mainland ng Tsina.
Sinabi naman ni Chen na, sa kasalukuyan, nagiging destinasyon ng pamumuhunan mula Tsina ang Thailand, at ang pagpapahigpit ng palitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Thailand ay makakatulong sa pagpapasulong ng kooperasyong pangkaibigan ng dalawang panig.