|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ng opinyong publiko sa daigdig na ang muling paglulunsad ng Shenzhou manned spacecraft ay nagpakita na patuloy na tumalima ang Tsina sa maingat na prinsipyo para igarantiya ang tagumpay ng bawat maliit na progreso.
Para itatag ang space station, ginamit ng Tsina ang pinakamataas na teknolohiya sa loob ng bansa. Bilang isang napakalaking sistema, ang Manned Space Flight Project ng Tsina ay kinabibilangan ng 8 malaking larangan na tulad ng astronauts, teknolohiya ng space, spaceship, at carrier rocket, at ito ay nangangailangan ng maraming mataas na teknolohiya
Sa kasalukuyan, ang Tsina ay tumatahak sa landas ng mapayapang paggamit ng kalawakan. Hangad ng Nasyong Tsino ang kapayapaan mula pa sa sinaunang panahon. Sa mula't mula pa'y, nananangan ang Tsina sa patakaran ng mapayapang pag-unlad, ang lahat ng pagpapaunlad ng Tsina ay naglalayo ng mapayapang paggamit ng teknolohiya na kinabibilangan ng teknolohiya ng manned space flight.
Sapul nang isagawa ang Manned Space Flight Project, batay sa nagsasariling prinsipyo, aktibong isinasagawa ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa mga kinauukulang bansa at rehiyon ng buong daigdig hinggil sa manned space flight para magkasamang pasulungin ang proseso at pag-unlad ng teknolohiyang pangkalawakan sa buong mundo.
Ang pangarap na pangkalawakan ay isang bahagi ng Chinese Dream. Ang tagumpay ng space docking ng Tiangong-1 space lab module at Shenzhou-10 manned spacecraft ay muling nagpapakita na, sa pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap, unti-unting isinakatuparan ng mga mamamayang Tsino ang pangarap na pangkalawakan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |