Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga panauhing Taiwanese kahapon, ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, na dapat patuloy na pahigpitin ang relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwang Straits, sa mga larangang gaya ng kabuhayan, pulitika, kultura, at lipunan, para makinabang nang mas marami ang mga mamamayan ng magkabilang pampang.
Dumalo si Yu sa ika-5 porum ng magkabilang pampang na idinaos sa Xiamen, Probisyang Fujian.
Ipinahayag naman ni Lin Cheng-feng, kalahok na Pangalawang Tagapangulo ng Kuomintang (KMT), ang pag-asa sa patuloy na pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang para makalikha ng mas magandang kinabukasan ng Nasyong Tsino.