Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chinese Navy hospital ship "Peace Ark", dumadalaw sa Brunei

(GMT+08:00) 2013-06-17 18:26:21       CRI

Dumating kahapon sa Brunei Darussalam, ang Chinese Navy hospital ship na "Peace Ark", para pasimulan ang 6-araw na dalaw-pangkaibigan doon. Lalahok din ang naturang bapor sa magkasanib na pagsasanay sa humanitarian relief at medisinang militar ng ASEAN. Ito ang ika-5 beses na pagdalaw sa Brunei ng Chinese Navy vessels.

Nauna rito, dumalaw ang "Peace Ark" sa limang bansa sa Asya't Aprika at apat na bansa sa Latin-Amerika, para ipatupad ang makataong serbisyong medikal na may codename na "Mission Harmony 2013". Sa panahon ng 193 araw na biyahe, naglayag nang 42 libong nautical miles ang naturang bapor, at nagkaloob ng serbisyong medikal sa halos 50 libong tao. Nang kapanayamin ng mamamahayag, sinabi ni Major General Shen Hao, Komander ng "Mission Harmony 2013", na lipos siya ng kompiyansa sa kasalukuyang pagdalaw sa Brunei.

"Sa paanyaya ng Brunei, bumibisita ang 'Peace Ark' ng Hukbong Pandagat ng Tsina sa magandang Bandar Seri Begawan, at lalahok sa magkasanib na pagsasanay ng humanitarian relief at medisinang militar ng mekanismo ng pinalawak na pulong ng mga ministrong pandepensa ng ASEAN. Ang matagumpay na praktis ng pagkakaloob ng serbisyong medikal sa ibayong dagat noong nakaraan ay naglatag ng matibay na pundasyon, at nagkaloob ng masaganang karanasan para sa kasalukuyang biyahe sa Brunei, kaya lipos kami ng kompiyansa sa biyaheng ito."

Nang araw ring iyon, bumisita sa nasabing hospital ship ang ilang tauhan ng mga embahada at konsulado, organong pinatatakbo ng puhunang dayuhan, at mga Tsino sa Brunei. Lubos namang ikinagalak ng isang 72 taong gulang na overseas Chinese sa Brunei ang pagdalaw ng bapor at sinabing:

"Ikinalulugod kong makita ang pagbisita ng bapor ng aking inang bayan sa Brunei. Malaki at maganda ang naturang hospital ship, at may maraming modernong na pasilidad."

Pagkatapos ng pagdalaw sa Brunei, pupunta sa Gulf of Aden ang "Peace Ark", para magkaloob ng serbisyong medikal sa mga sundalo at mamamayan ng iba't ibang bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>