|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing kay Truong Tan Sang, Pangulo ng Byetnam, tinukoy kahapon ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na ang maayos na paghawak sa isyu ng South China Sea ay mahalagang-mahalaga sa pangangalaga ng relasyon ng Tsina at Byetnam at katatagan ng rehiyon. Kailangang bukas at tunay na talakayin ng dalawang panig ang kapuwa pagkakaisa at pagkakaiba, at dapat iwasan ang pagsasagawa ng unilateral na aksyong makapagpapalala sa situwasyon at makakapagpalawak sa isyu ng SCS sa saklaw ng daigdig.
Sinabi ni Li na dapat magsikap ang dalawang panig sa abot ng makakaya para makita ang mapapagkasunduan at mahawakan nang maayos ang hidwaan. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Byetnam, para mapasulong ang magkasamang paggagalugad sa dagat, at nang sa gayo'y, makalikha ng positibong kondisyon para sa paglutas ng isyu.
Nagpahayag naman si Truong ng pasasalamat sa Tsina sa pagkakaloob ng huli ng tulong at pagkatig sa mahabang panahon. Aniya, laging nasa pinakamahalagang katayuan ng diplomasya ng Biyetnam ang relasyon sa Tsina at nakahanda silang lutasin ang isyung pagdagat sa pamamagitan ng pagsasanggunian at magiliw na pakikitungo at unti-unting pasulungin ang kooperasyong pandagat, paliitin ang hidwaan, palawakin ang interes at pasulungin ang komong pag-unlad.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |