Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Singapore, binatikos ang double standard ng Country Reports on Human Rights Practices ng E.U.

(GMT+08:00) 2013-06-21 17:14:02       CRI

Sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Ministring Panlabas ng Singapore, binatikos nito ang hindi wasto at hindi tunay na umano'y ulat ng Estados Unidos (E.U.) hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao ng Singapore sa taunang Country Reports on Human Rights Practices nito. Kaugnay naman ng pambabatikos sa Internal Security Act (ISA) ng Singapore, anito, nagsagawa ang E.U. ng double standard.

Isinumite noong Abril ni John Forbes Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa Kongreso ng bansa ang 2012 Country Reports on Human Rights Practices. Binatikos ng nasabing ulat ang "pagpapahintulot sa detention bago ang paglilitis" ng ISA ng Singapore. Bilang tugon, sinabi ng Ministring Panlabas ng Singapore na ang naturang batas ay pangunahing ginagamit sa pagharap sa mga banta sa kaligtasang panloob na gaya ng banta sa pampublikong kaayusan, banta sa harmonya ng lipunan at relihiyon, at teroristikong aktibidad.

Ayon naman sa nasabing pahayag, lubos na pinahahalagahan ng Singapore ang karapatang pantao. Anito, may ulat man ng E.U. o wala, patuloy pa ring magsisikap ang Singapore para mapabuti ang pamumuhay ng mga Singaporean at maigarantiya ang kanilang karapatan.

Salin: Andrea

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>