Nakipag-usap kaninang umaga sa Beijing Aerospace Control Center si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Nie Haisheng, Zhang Xiaoguang at Wang Yaping, tatlong astronaut na Tsino ng Shenzhou-10 Manned Spacecraft na ngayon ay nasa kalawakan.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, nagpahayag si Xi ng taos-pusong pangungumusta sa tatlong astronaut, at ipinaabot ang pag-aalala sa kanilang pamumuhay at trabaho sa kalawakan. Sinabi rin niyang gagawa ang Tsina ng mas malaking hakbang sa paggagalugad ng kalawakan.
Bilang crew commander, sinabi naman ni Nie Haisheng na mabuti ang kalagayan ng tatlong astronaut, at nagtatrabaho ngayon sila batay sa iskedyul.
Salin: Liu Kai