|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Twitter ni Pangulong Rafael Correa ng Ecuador na responsibleng isasaalang-alang nila ang kahilingang political asylum sa Ecuador ni Edward Snowden, whistleblower ng classified surveillance programs ng Pamahalaang Amerikano.
Si Ricardo Patiño, Ministrong Panlabas ng Ecuador
Nauna rito, ipinahayag ni Ricardo Patiño, Ministrong Panlabas ng Ecuador, na isinasaalang-alang ng kanyang bansa ang kahilingan ni Snowden, at gagawa ito ng kapasiyahan sa angkop na panahon. Aniya pa, ang kaso ni Snowden ay may kinalaman sa kalayaan sa pagsasalita at personal na kaligtasan ng buong sangkatauhan, kaya dapat dibdiban itong pakitunguan.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |