Sa kanyang pagdalo ngayong araw sa Ika-2 Porum ng Kapayapaang Pandaigdig sa Beijing, sinagot ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang mga tanong hinggil sa isyu ng South China Sea.
Sinabi ni Wang na malinaw at palagian ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Nansha Islands, at hene-henerasyon na itong iginigiit ng pamahalaan. Ito aniya ay malawakang kinakatigan ng mga mamamayang Tsino, at hindi maaring magbago. Patuloy at buong tatag na pangangalagaan ng Tsina ang soberanya at interes ng bansa, dagdag niya.