Nag-usap kahapon sa Maynila si Ministro ng depensa Itsunori Onodera ng Hapon at Kalihim ng Tanggulan Voltaire Gazmin ng Pilipinas, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa kooperasyong pandepensa ng dalawang bansa.
Sa isang preskon pagkaraan ng pag-uusap, sinabi ni Itsunori Onodera na bilang matalik na magkatuwang sa karagatan, dapat ibayo pang palakasin ng Hapon at Pilipinas ang pagtutulungan sa larangang tanggulang bansa.
Ipinahayag naman ni Voltaire Gazmin, na positibo ang dalawang panig sa pagpapahigpit pa ng palitang pang-impormasyon at panteknolohiya.