Kaugnay ng bagong-bunyag na surveillance program ng Amerika sa Unyong Europeo (EU), nagpalabas kahapon ng pahayag ang European Commission na humihiling sa Amerika na ipaliwanag ang hinggil dito.
Ipinalabas kamakalawa ng magasing Der Spiegel ng Alemanya ang mga lihim na dokumento, kung saan ang bahagi ay galing kay whistleblower Edward Snowden. Ayon sa mga ito, isinagawa ng National Security Agency ng Amerika ang 5-taong pagmamanman at lihim na pakikinig sa punong himpilan ng EU at mga tanggapan nito sa Washington at New York. Anito pa, isinagawa rin ng Amerika ang malawakang pagmamanman sa phone calls at internet ng Alemanya.
Samantala, hiniling naman ng Alemanya at Pransya sa Amerika na ipaliwanag ang hinggil sa naturang pangyayari. Anila pa, kung totoo ang mga napaulat, ganap itong di-katanggap-tanggap.
Salin: Liu Kai