Idinaos kahapon ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1) sa Bandar Seri Begawan, Brunei. Tungkol sa mga hidwaan sa teritoryo ng South China Sea, ipinatalastas ng Tsina at ASEAN na komprehensibo at mabisang isasakatuparan ang "Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC)," at idaraos ang pagsasanggunian sa Setyembre hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea (COC) sa ilalim ng framework ng pagsasagawa ng DOC.
Ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na unti-unting pasulungin ang pagsasakatuparan ng COC sa proseso ng pagsasakatuparan ng DOC, ayon sa regulasyon ng DOC, ayon sa nakasaad sa DOC, at batay sa pagkakaisa sa pamamagitan ng pagsasangunian.
Ipinahayag ni Wang na ang DOC ay magkasamang nilagdaan ng Tsina at ASEAN. Ito aniya ay nagpapakita ng mithiing pulitikal ng Tsina at ASEAN sa komong pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng rehiyong ng South China Sea. Dagdag pa niya, sang-ayon sa DOC, kung magkakaroon ng ilang hidwaan, dapat humanap ng mapayapang paglutas sa pamamagitan ng pagsasanggunian ng mga panig na sangkot sa hidwaan.
salin:wle