Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga bansang ASEAN, hindi sumang-ayon sa kilos ng panig Pilipino sa isyu ng SCS

(GMT+08:00) 2013-07-01 17:39:03       CRI

Sa International Conference Center ng Brunei—kahit walang paunang paalam sa tagapagtaguyod ng pulong ng mga minitrong panlabas ng ASEAN, ipinamigay dito kahapon ng umaga ng ilang tauhan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ang isang press release sa mga kalahok sa pulong. Anang press release, lubusang ikinababahala ni Kalihim Albert del Rosario ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ang unti-unting paglakas ng militarisasyon sa South China Sea. Sinabi niyang ang walang tigil na pagdaragdag ng Tsina ng presensyang militar at paramilitar sa Huangyan Island at Ren'ai Reef ay "magsasapanganib sa pagsisikap para sa kapayapaan at katatagang pandagat ng rehiyong ito." Aniya, ang aksyon ng Tsina ay lumabag sa "Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea" na nilagdaan ng Tsina at ASEAN noong 2002. Ayon sa tadhana ng naturang deklarasyon, ipinangako ng iba't ibang panig na magtitimpi, at hindi magsasagawa ng anumang aksyong magpapasalimuot at magpapalawak sa alitan. Pero hindi sumang-ayon ang mga bansang ASEAN sa ganitong kilos ng Pilipinas.

Ipinahayag ng Direktor ng Tagapagpaganap ng Instituto ng Pananaliksik sa Kapayapaan at Kooperasyon ng Kambodya, na sa kasalukuyan, lumitaw ang positibong signal sa proseso ng pagpapasulong ng Tsina at ASEAN sa pagkakaroon ng Code of Conduct for the South China Sea. Dapat iwasan aniya ng iba't ibang may kinalamang panig ang pagsasagawa ng radikal na aksyong makakapinsala sa pagtitiwalaan.

Sinabi naman ng isang tauhan ng Ministring Panlabas ng Brunei na ayaw magpabangit ng pangalan, na hindi inaasahan ng mga bansang ASEAN ang muling paglitaw ng katulad na alitan noong nagdaang taon, kaya hinding hindi nito pahihintulutan na maaapektuhan ng mga alitan sa teritoryo ang pangkalahatang kalagayan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Hinding hindi rin aniya sasang-ayunan ng kanyang bansa ang naturang kilos ng Pilipinas.

Ang pagsisikap ng Tsina at ASEAN para sa pangangalaga at pagpapalakas ng kapayapaan at kaligtasan ng rehiyon ng South China Sea ay nagkakaroon ng bagong progreso. Sa magkasanib na preskon kahapon na itinaguyod nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Surapong Techaruvichit ng Thailand, ipinahayag ng panig Thai idaraos ng Tsina at ASEAN ang ika-6 na pulong sa mataas na antas hinggil sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea, at ika-9 na pulong ng magkasanib na working group. Sa panahon ng naturang dalawang pulong, isasagawa rin ang talastasan hinggil sa Code of Conduct for the South China Sea.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>