|
||||||||
|
||
Sinabi ni Wang na ang naturang pulong ay hindi lugar para talakayin ang mga konkretong pangyayari sa South China Sea, pero dahil binanggit ng Pilipinas ang hinggil dito, dapat magbigay ang Tsina ng paliwanag. Inilahad niya ang maraming katotohanang pangkasaysayan at batayang pambatas, para patunayan ang di-mapapabulaanang soberanya ng Tsina sa Huangyan Island at Ren'ai Reef.
Ipinahayag din ni Wang na matatag at di-magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kapakanang pandagat ng bansa. Samantala, susundin aniya ng Tsina ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at komong pangako nito at ASEAN, para lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng talastasan kasama ng mga bansang may direktang kinalalaman sa mga isyu.
Dagdag pa niya, sinang-ayunan ng Tsina ang pagdaraos ng pulong sa darating na Setyembre ng taong ito, para pasulungin ang pagbalangkas ng Code of Conduct in the South China Sea (COC).
Sa kanila namang talumpati sa naturang pulong, positibo ang mga ministrong panlabas ng mga bansa sa natamong progreso ng Tsina at ASEAN sa pangangalaga sa katatagan ng South China Sea. Ipinahayag din nilang dapat komprehensibo at mabisang ipatupad ang DOC, at pasulungin ang pagbalangkas ng COC. Dagdag pa nila, hindi dapat makisangkot sa hidwaan sa South China Sea ang mga bansa sa labas ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |