Isinapubliko kahapon ng Tanggapan ng Director of National Intelligence (DNI) ng Amerika ang liham nito sa Senate Select Committee on Intelligence (SSCI) na humihingi ng paumanhin saaling pananalita ng DNI na si James Clapper hinggil sa "PRISM."
Sa naturang liham, inamin ni Clapper na mali talaga ang kanyang sinabi sa nagdaang pulong ng SSCI kung saan binanggit niyang hindi nagsagawa ng "cyber hacking" ang National Security Agency (NSA) sa mga pribadong impormasyon ng mga sibilyang Amerikano. Kaya humingi siya sa SSCI ng paumahin sa nasabing maling pananalita.
Dagdag pa niya, bukas na sa publiko ang proyektong "PRISM" ng NSA na sikretong nangalap ng mga pribadong impormasyon mula sa internet, kaya nais niyang ipaliwanag ang nasabing maling pananalita.