Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahahalagang leksyong natutuhan sa Asian financial crisis, nagpatibay sa Bangko Sentral ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-07-03 18:22:08       CRI

MAY tatlong mahahalagang leksyong natutuhan ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa naganap na Asian Financial Crisis noong 1997. Ito ang bahagi ng talumpati ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco sa ika-20 taong anibersaryo nito.

Hindi sapat ang transactional approach sa banking supervision na nagbibigay-diin sa pagsunod sa mga alituntunin upang maiwasan ang mga panganib. Pangalawang bagay na natutuhan ay ang interest rate deregulation at financial innovations ang nagpalugso sa traditional link ng salapi, output at inflation at ang pangatlo, na ang matatag na financial system ay nangangailangang suportahan ng efficient payment system.

Idinagdag ni Gobernador Tetangco, sa mga leksyong ito, higit na tumatag sa pagsusulong ng masiglang pagbabangko kasabay ng structural reforms. Ito ang pinag-uugatan ng risk-based supervision, inflation targeting at real0time fross settlement o ang tinaguriang Philpass,

Higit na umasenso ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ang ekonomiya at nakita ito sa 7.8% growth na itinuturing na pinakamagandang pangyayari sa rehiyon. Ang pagkakaroon ng gross international reserves na higit sa $ 82 bilyon ay makasasaklaw na sa halos isang taong pag-aangkat ng mga kailangan ng bansa samantalang ang capital na nasa 17% ay halos higit sa doble ng international standard na 8%.

Hindi umano magaganap ang mga natamong puntos ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung wala sina dating Gobernador Gabriel Singson at Rafael Buenaventura. Pinasalamatan din niya ang mga kasapi ng Monetary Board tulad nina Kalihim Cesar Purisima, Alfredo Antonio at iba pa.

1 2 3 4 5
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>