|
||||||||
|
||
Dumating na kagabi sa La Paz, kabisera ng Bolivia si Pangulong Evo Morales, pagkaraang tanggihan ng mga bansang Europeo na paraanin sa kanilang teritoryong panghimpapawid ang pribadong eroplano ng nasabing lider.
Mula sa isang summit sa Rusya, sinakyan kamakalawa ni Pangulong Morales ang kanilang pribadong eroplano, pauwi ng Bolivia. Pero dahil pinagdududahang nakasakay din sa naturang eroplano si Edward Snowden, whistleblower ng mga surveillance program ng Amerika, hindi pinaraan ng mga bansang Portugal, Pransya, Espanya, at Italya ang nasabing eroplano sa kanilang teritoryong panghimpapawid. Kaya, napilitang lumapag sa Vienna, kabisera ng Austria, si Morales at naghintay ng 14 na oras para muling makalipad.
Lubos na kawalang-kasiyahan ang idinulot ng insidenteng ito sa Bolivia at maraming bansa ng Timog Amerika. Iniharap na ng Bolivia ang opisyal na protesta sa UN hinggil dito.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |