Sinabi kahapon ni Deborah Hersman, Tagapangulo ng National Transportation Safety Board ng Amerika, na nasa unang yugto pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng eroplanong pampasahero ng Asiana Airlines ng Timog Korea na naganap nang araw ring iyon sa San Francisco. Ani Hersman, susuriin ng kanyang grupo ang flight recorder o mas malawakang tinatawag na black box ng eroplano, at tatanungin din ang mga piloto sa loob ng darating na ilang araw.
Binigyang-diin din ni Hersman na dapat gawin ang komprehensibong imbestigasyon sa aksidenteng ito, para malaman ang lahat ng katotohanan, at maiwasang maulit ang ganitong aksidente.
Salin: Liu Kai