Sa isang liham na ipinadala kamakailan ni Li Liangyi, Chairman of the Board ng China Ting Group ng Singapore at bantog na eksperto sa turismo, kay Li Jidong, Kalihim ng Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ng Kawanihan ng Turismo ng Xinjiang, ipinahayag niya ang pananalig na mananatili pa ring mabuti ang kapaligirang panturista ng Xinjiang. Kasama ng mga turista mula Singapore, bubuuin aniya ang isang tour group na bibiyahe sa Xinjiang sa susunod na buwan.
Ang sunud-sunod na marahas na insidente na naganap kamakailan ay nagdulot ng epekto sa turismo ng Xinjiang. Kaugnay nito, mabilis na isinasagawa ng Kawanihan ng Turismo ng Xinjiang ang mga hakbangin para maigarantiya ang kasaganaan at katatagan ng pamilihang panturista.
Salin: Li Feng