Ayon sa ulat kahapon ng Nihon Keizai Shimbun, na pinaplano ng pamahalaan ng Hapon na ilunsad ang 9 na satellite para itatag ang mekanismo ng 24 oras na pagmomonitor sa dagat sa buong mundo. Ang layunin ng aksyong ito ay igarantiya ang kaligtasan ng mga bapor ng Hapon, at itaas ang kakayahan ng bansa sa pagharap sa di-umano'y "pagpasok sa dagat ng Hapon" ng mga bapor ng ibang bansa.
Ayon pa sa ulat, ang halaga ng bawat bagong satellite ay nasa 20 bilyong Yen (mga 1.2 bilyong yuan RMB). Pinaplano ng pamahalaan ng Hapon na ilunsad ang 2 test satellite sa loob ng taong ito.
Salin:Sarah