|
||||||||
|
||
Winika ito ni Hua kaugnay ng pinakabagong Defence White Paper na ipinalabas nang araw ring iyon ng Hapon. Anang dokumentong ito, agresibo ang Tsina sa mga isyung may salungat na interes sa mga bansang nakapaligid dito, at posible itong gumawa ng mga mapanganib na aksyong magdudulot ng di-inaasahang pangyayari. Anito pa, ikinalulungkot ng panig Hapones ang kalagayang ito, at hinihiling sa Tsina na sundin ang mga pandaigdig na norma.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hua na iginigiit ng Tsina ang mapayapang pag-unlad at depensibong patakaran ng tanggulang bansa. Aniya pa, pinaninindigan ng Tsina na lutasin ang mga hidwaan sa teritoryo sa dagat sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian. Pero, hinding hindi nito hahayaang lapastanganin ng anumang bansa ang teritoryo at soberanya nito.
Dagdag pa ni Hua, ang tunay na layunin ng Hapon sa tuluy-tuloy na pagpapalabas ng mga ulat hinggil sa umano'y banta mula sa Tsina, at sinasadyang paglikha ng tensyon, ay para palakasin ang puwersang militar nito, at makamit ang karapatan ng paglulunsad ng digmaan. Ito aniya ay ikinababahala ng komunidad ng daigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |