|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na, hindi tanggap ng panig Tsino ang arbitasyong pandaigdig na iniharap ng Pilipinas tungkol sa isyu ng South China Sea (SCS), at hindi nagbabago ang posisyong ito.
Kamakailan, ipinamigay ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas sa mga organong diplomatiko ng iba't-ibang bansa at organisasyong pandaigdig na matatagpuan sa Manila, ang mga publicity material hinggil sa isyu ng SCS. Ang aksyong ito ay naglalayong palaganapin ang posisyon ng panig Pilipino sa isyu ng arbitasyon, at isapubliko ang pananalita ng ilang may-kinalamang bansa na kumakatig sa Pilipinas.
Ipinahayag ni Hua na, nagtatangka ang panig Pilipino na iligaw ang komunidad ng daigdig sa pamamagitan ng arbitasyon, at magpataw ng presyur sa panig Tsino. Buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang tungkol dito, ani Hua.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |