Sa isang talakayan, binatikos kamakailan ni Albert Del Rosario, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang Tsina hinggil sa isyu ng South China Sea. Sinabi niya na ginamit na ng Pilipinas ang lahat ng paraang pulitikal at diplomatiko para mapayapang malutas ang naturang isyu, at wala itong nalalabing paraan kundi hanapin ang arbitrasyong pandaigdig para malutas ito.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na unilateral na isinara ng panig Pilipino ang pinto ng pagsasanggunian, at gusto nitong atakehin ang Tsina sa komunidad ng daigdig. Ito aniya ay hindi makakatulong sa paglutas sa nasabing isyu. Hinimok ng panig Tsino ang panig Pilipino na itigil ang pagligaw ng opinyong publiko, at balikan ang tumpak na landas ng talastasan sa lalong madaling panahon, dagdag pa ni Hua.
Salin: Li Feng