Ayon sa ulat ngayong araw ng CRI Bureau sa Amerika, Ipinadala na ng pamahalaang Tsino ang dalawang dalubhasa sa abyasyon para lumahok sa imbestigasyon sa pagbagsak ng eroplano na naganap noong ika-6 ng Hulyo sa San Francisco International Airport.
Bukod dito, hiniling ni Yuan Nansheng, Consul General ng Tsina sa San Francisco, sa Tagapangulo ng National Transportation Safety Board (NTSB) na ipaalam sa panig Tsino ang mga impormasyon hinggil sa nasabing imbestigasyon, sa lalong madaling panahon. ipinahayag naman ni Yuan na buong sikap na igagarantiya ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat.
Ayon sa pagtaya, ang naturang imbestigasyon ay tatagal nang mahigit 1 taon.