Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Kawanihan ng Impormasyon ng Pangulo ng Rusya, nag-usap sa telepono sina Vladimir Putin, Pangulong ng Rusya, at kanyang counterpart na si Barack Obama ng Amerika, hinggil sa pagsisiwalat ng mga sensitibong impormasyon ni Edward Snowden, dating kawani ng National Security Agency (NSA).
Pero, hanggang ngayon ay hindi pa isinisiwalat ang aktuwal na nilalaman ng kanilang pag-usap hinggil sa isyung ito.
Nauna rito, ipinahayag ni Snowden na ihaharap niya sa Rusya ang aplikasyon ng pansamantalang political asylum. Pero ayon sa tagapagsalita ni Putin, wala pang tinatanggap na nasabing aplikasyon ang panig Ruso.