Ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na kung may pagkakataon, tiyak na aalis ng Rusya si Edward Snowden, whistleblower ng mga surveillance program ng Amerika. Pero, tumanggi si Putin na magkomento sa kinabukasan ni Snowden. Amg kinabukasan ni Snowden aniya ay nakasalalay mismo sa kanyang mga kamay.
Dagdag pa ni Putin, walang imbitasyon ang Rusya kay Snowden, at dumating lamang siya sa Moscow para pumunta sa ibang lugar. Sinabi rin ni Putin na kinukulong ng Amerika si Snowden sa loob ng Rusya, dahil sinarhan nila ang kanyang daan sa ibang lugar.
Salin: Liu Kai