Pagkatapos ng kanyang paglahok sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Kyrgyzstan, ipinahayag kahapon ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na dapat magpatingkad ng mas malaki at positibong papel ang organisasyong ito.
Sinabi ni Wang na sapul nang itatag ang SCO, pinapatingkad nito ang mahalagang papel para pangalagaan ang katiwasayan at katatagan ng rehiyon at iba't ibang kasaping bansa. Aniya, sa susunod, dapat ibayo pang pasulungin ang kalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng iba't ibang kasaping bansa, at palalimin ang pagpapalagayan at pag-uunawaan ng kani-kanilang mga mamamayan.
Dagdag ni Wang, kung mas mapapaunlad ng SCO ang sarili, mapapatingkad nito ang mas malaking papel sa rehiyon at daigdig.
Salin: Liu Kai