Kaugnay ng paglagda ng Pangulong Amerikano sa panukalang batas na kumakatig sa paglahok ng Taiwan sa aktibidad ng International Civil Aviation Organization (ICAO), sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pakikilahok ng mga kababayang Taiwanes sa mga aktibidad ng organisasyong pandaigdig, na kinabibilangan ng ICAO, ay sariling suliranin ng mga mamamayang Tsino. Buong tatag aniyang tinututulan ng panig Tsino ang panghihimasok ng anumang dayuhang pamahalaan, organisasyon, at indibiduwal sa ganitong suliranin.
Dagdag pa ni Hua, ang may kinalamang panukalang batas ng Kongresong Amerikano ay grabeng lumalabag sa patakarang isang Tsina, at prinsipyo ng tatlong (3) magkasanib na komunike ng Tsina at Estados Unidos. Buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, at nagharap na ng solemnang representasyon ang Tsina sa panig Amerikano hinggil dito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng