Inilabas kahapon ang pinakahuling ulat ng Asian Development Bank (ADB) , at ayon dito, tumaba ang inaasahang paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na bansa sa Asya. Ayon pa sa ulat ang naturang pagbaba ay dahil sa mahirang pangangailangan ng mga maunlad na bansa sa Europa at Amerika, at bumabagal na paglaki ng Tsina.
Sa "Asian Development Outlook," pinababa ng ADB ang inaasahang target ng paglaki ng kabuhayan ng 45 umuunlad na ekonomiyang Asyano sa 6.3% mula sa 6.6% sa taong ito. Pinababa rin ang inaasahang target sa susunod na taon sa 6.4% mula sa 6.7%. Ang prospek naman ng paglaki ng ekonomiya ng Tsina ay pinababa sa 7.7% sa taong ito at 7.5% sa susunod na taon.
Ayon pa sa ulat, dahil bumabagal ang proseso ng pormang pangkabuhayan ng Indya——pinakamalaking ekonomiya sa timog Asya, at hindi mabuting situwasyon ng produksyong industriyal, pinababa rin ang prospek sa paglaki ng ekonomiya ng Indya sa taong ito. Hindi naman binago ng ADB ang inaasahang paglaki ng Indya sa susunod na taon.
salin:wle