Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hua Chunying, nagpahayag ng reaksyon hinggil sa pananalita ng Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea

(GMT+08:00) 2013-07-17 16:57:55       CRI
Sinagot kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mga tanong ng mga mamamahayag hinggil sa pananalita ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea.

Kamakalawa ipinalabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ang pahayag na nagsasabing walang batayan ang mga pananalita ng Tsina hinggil sa South China Sea. Sinabi rin nitong matigas ang pakikitungo ng Tsina kaya hindi maaaring isagawa ng dalawang panig ang talastasan, at iniharap ng Pilipinas ang alitang ito sa international arbitration.

Hinggil dito, sinabi ni Hua na ikinalulungkot ng Tsina ang naturang aksyon ng Pilipinas. Hindi aniya nasisiyahan ang Tsina sa pagtanggi sa talastasan ng Pilipinas. Dagdag pa niya, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang aksyon ng Pilipinas na dalhin sa international arbitration ang nasabing alitan.

Binigyan-diin ni Hua na ang direktang dahilan ng alitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas ay ang iligal na pagsakop ng Pilipinas sa ilang isla sa Nansha Islands ng Tsina. Nananangan aniya ang Tsina sa prinsipyong buong tatag na pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa. Kasabay nito, batay sa pangkalahatang kalagayan ng bilateral na relasyon ng Tsina at Pilipinas at kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, sinabi ni Hua na nananangan ang Tsina sa kinauukulang tadhana ng pandaigdigang batas at diwa ng Declaration on the Conduct of the parties in the South China Sea. Dapat lutasin ang alitan sa pamamagitan ng bilateral na talastasan, dagdag pa niya. Pero, binigyang-diin niyang hindi magbabago ang paninindigan ng Tsina hinggil sa isyung ito.

Tinukoy ni Hua na sa kabuuan, matatag ang kalagayan sa South China Sea. Mayoong komong palagay ang Tsina at mga bansang ASEAN sa larangan ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan na naturang karagatan. Sinabi rin ni Hua na nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito. Dagdag ni Hua na hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na iwasto ang kamalian at bumalik sa tumpak na paraan ng bilateral na talastasan.

Ani Hua, noong Marso ng 2010, iniharap ng Tsina na itatag ang Mekanismo ng Regular na Pagsasanggunian ng Tsina at Pilipinas sa mga isyung pandagat; at noong Hunyo ng 2012, iniharap ng Tsina na muling simulan ang "Mekanismo ng Tsina at Pilipinas" sa pagtatatag ng pagtitiwalaan. Umaasa aniya ang Tsina na gagawa ang Pilipinas ng positibong reaksyon sa naturang mga mungkahi, sa lalo madaling panahon.

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>