Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi lamang sa South China Sea dapat matuon ang bilateral relations ng Tsina at Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-07-17 20:59:34       CRI

NANINIWALA si dating Philippine Ambassador to the United Nations Lauro Baja na hindi lamang nararapat matuon ang bilateral relations ng Tsina at Pilipinas ang mga isyung bumabalot sa South China Sea o West Philippine Sea.

Marami pang nararapat pag-usapan sa pagitan ng dalawang bansa tulad ng kalakalan, kultura at investments at mapanatili ang magandang relasyon. Ang nakalulungkot ay napatuon sa mga isyu ng karagatan sa kanluran ng Pilipinas. Ang mahalaga ay maging malapit, mabunga at kapaki-pakinabang ang relasyong namamagitan sa dalawang bansa sapagkat magkalapit lamang naman ang mga ito.

Hindi lang mga isyu sa South China Sea o West Philippine Sea ang nararapat pag-usapan ng mga Pilipino at Tsino.  Niliwanag ni dating Philippine Ambassador to the United Nations at DFA Undersecretary Lauro Baja (kaliwa) na nariyan ang kalakal, kultura at investments.  Ipinaliwanag din ni University of the Philippines Professor Aileen Baviera na nararapat maging maliwanag sa pamahalaan na may mga palatuntunang hindi nararapat mabago sa pagpapalit ng liderato.  (Larawan ni Melo Acuna)

Sa idinaos na Foreign Correspondents Association of the Philippines Forum kaninang umaga, sinabi ni G. Baja na isang mahalagang bagay sa negosasyon ay ang magandang relasyon ng magkakaharap sa pag-uusap. Ayon kay G. Baja, ang magandang relasyon ay nararapat mapanatili kahit sa labas ng kani-kanilang mga tanggapan.

Sa panig ni Ambassador Baja, may bagong liderato sa Tsina at may bagong Tsina. Malaki na ang ipinagbago ng Tsina ngayon kaysa noong may sampung taon na ang nakalilipas. Mas mahalaga ang papel ng People's Liberation Army ngayon.

Kung nais ng Pilipinas at ASEAN na madaliin ang mga desisyon sa mga sigalot, kailangang simulant na ng ASEAN ang paghubog ng Code of Conduct. Obligasyon ito ang ASEAN. Iba na rin ang ASEAN ngayon kung ihahambing sa ASEAN noong nakalipas na taon kung pag-uusapan ang solidarity lalo't higit sa mga isyung bumabalot sa South China Sea.

Nakipag-usap na umano ang Vietnam sa Tsina hindi lamang sa kalakalan bagkos ay sa mga isyu ng South China Sea.

Sa panig ni Professor Aileen Baviera, sinabi niya na nararapat bumuo ang Pilipinas ng maayos na pananaw tungkol sa mga isyung mahahalaga. Ang problema umano ay sa pagbabago ng mga administrasyon, nagbabago rin ang mga kalakaran kaya't mas marami ang nawawalang pagkakataon para sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Ambassador Baja na malaki ang pagkakaiba ng paraan ng mga bansang mayroon ding paghahabol sa ilang kapuluan sa South China Sea. Inihalimbawa niya ang ginawi ng Pilipinas sa isyu ng Bajo de Masinloc. Lubhang marami sa Pilipinas ang nagsalita at nag-ingay na tila hindi na makabawi pa sa mga naunang pahayag. Ang ibang claimant countries tulad ng Malaysia ay hindi nagsasalita at kung mayroon man ay limitado sa mga tagapagsalita at nanatili sa bilateral discussions sa bansang Tsina.

Idinagdag ng beteranong diplomata na mas makabubuti sa Pilipinas na gumawa ng kaukulang foreign policy hinggil sa isyu at liwanagin kung paano maipatutupad ang alituntuning ito at kung paano gagalaw ang mga pinuno ng bansa.

Nanawagan pa siya na huwag na huwag pababayaan ang mga walang kamalayan at karanasan na magsalita tungkol sa mga isyu sapagkat lalabas na kahit ang mga Pilipino ay naguguluhan o nililito natin ang kabilang panig.

Kailangang magkaroon ng maliwanag na foreign policy na maipatutupad ng mga alerto at masiglang diplomasya na kailangang paghandaan. Ang tagumpay ng alinmang foreign policy o negosasyon ay kung paano matatamo ang nais na maging bunga ng pakikipag-usap.

ulat:melo

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>