Isiniwalat kahapon sa media ni Anatoly Kucherena, kilalang abogado sa Rusya, na posibleng magharap ng aplikasyon si Edward Snowden upang maging sibilyang Ruso.
Bukod dito, inamin ni Kucherena na iniharap niya kamakalawa ang aplikasyon ni Snowden para sa political asylum sa Rusya. Sinabi pa niya na hindi aalis si Snowden sa Rusya hangga't hindi niya natatanggap ang political asylum.
Nang araw ring iyon, kinumpirma ni Konstantin Romodanovsky, Puno ng Kawanihan ng Imigrasyon ng Rusya, ang pagtanggap ng aplikasyon ni Snowden. Sinabi niya na matatapos ang proseso ng pagsusuri sa aplikasyon sa loob ng darating na 3 buwan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ni Pangulong Vladimir Putin, na ang political asylum ni Snowden ay ipapasiya ng Kawanihan ng Imigrasyon, batay sa batas sa halip na kautusan ng pangulo.