|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na isinapuliko kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, 11 libo ang bilang ng mga karagdagang aprobadong kompanyang pinatatakbo ng pondong dayuhan sa buong bansa. Ito ay mas mababa ng 9.18% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Sa panahong nabanggit, aktuwal na nagamit ng bansa ang halos 62 bilyong dolyares na pondong dayuhan, na mas malaki ng 4.9% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |