|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo ngayong araw sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Jorge Arreaza Montserrat, Pangalawang Pangulo ng Venezuela.
Hinahangaan ni Xi ang ginawang ambag ni dating Pangulong Hugo Rafael Chávez Frías sa pagpapasulong sa relasyon ng Tsina at Venezuela, si Chávez, aniya, ay palaging nasa alaala ng mga mamamayang Tsino.
Ipinahayag ni Xi na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong pangkaibigan sa Latin-Amerika at rehiyong Caribbean. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng mga bansang Latin-Amerikano, na pasulungin ang pagtatatag ng porum na pangkaibigan ng Tsina at Latin-Amerika sa lalong madaling panahon, para mapataas ang lebel ng kanilang kooperasyon.
Ipinahayag naman ni Arreaza na ang matatag at di-magbabagong pagtahak ng Tsina sa landas ng sosyalistang may katangiang Tsino ay nagsilbing modelo para sa ibang bansa. Ang prinsipyo ng paggalang sa isa't isa sa relasyong panlabas ng Tsina ay gumawa ng malaking ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Ipagpapatuloy aniya ng pamahalaan at mga mamamayan ng Venezuela ang kalooban ni yumaong Chávez, para patuloy na palakasin ang kooperasyong pangkaibigan ng Venezuela at Tsina. Nakahanda ang Venezuela na maging mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng pakikipagtulungan ng Tsina sa Latin-Amerika, dagdag pa niya.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |