Sa isang artikulong ipinalabas kahapon sa internet, sinabi ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na ang pagpapalakas ng kanyang bansa at Tsina ng kooperasyon sa aspekto ng pagbabago ng klima ay "triple-win" para sa dalawang bansang ito at buong daigdig.
Sinabi ni Kerry na para maharap ang hamong dulot ng pagbabago ng klima, mahalaga ang pagsasagawa ng E.U. at Tsina ng komprehensibong kooperasyon sa pagbabago ng paraan ng paggamit at pagpoprodyus ng enerhiya.
Ipinahayag ni Kerry na sa katatapos na diyalogo ng E.U. at Tsina sa estratehiya at kabuhayan, sinang-ayunan ng dalawang bansa na pabilisin ang kooperasyon sa pagbabago ng klima, at inaprobahan nila ang limang mungkahi sa aksiyon sa aspektong ito. Ito aniya ay isang mahalagang progreso.