|
||||||||
|
||
Ayon sa Xinhua News Agency, hanggang alas-15:00 ngayong kahapon, 56 katao na ang naitalang namatay sa magnitude 6.6 na lindol na naganap sa hanggahan ng Minxian County at Zhangxian County sa lunsod ng Dingxi, probinsyang Gansu ng Tsina. Bukod dito, 14 katao ang naitalang nawawala, at 392 iba pa ang nasugatan.
Pagkaraang yanigin ng lindol ang naturang lugar, binigyan ng lubos na pagpapahalaga ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang kalagayan ng kalamidad, at nagpahayag siya ng lubos na pagkabahala sa mga mamamayan sa nilindol na purok. Nagbigay din ang pangulo ng mahalagang kautusan sa pakikibaka laban sa lindol at pagpapabuti ng mga gawaing panaklolo.
Hanggang sa ngayon, pangkagipitang inilaan na ng pamahalaang panlalawigan ng Gansu ang limang (5) milyong Yuan, RMB para sa mga gawaing panaklolo.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |