Ayon sa pinakahuling datos hinggil sa lindol na yumanig kahapon ng umaga, sa Lalawigang Gansu, sa dakong hilagang kanluran ng Tsina, 89 katao ang nasawi, 5 ang nawawala at mahigit walong daan (800) ang nasugatan.
Kasabay nito, mahigit sandaa't dalawampung libo (120,000) katao ang apektado ng lindol na may lakas na 6.6 magnitude sa Richter Scale. Samantala, halos tatlumpu't dalawang libong (32,000) apektadong tao ang nailipat na sa ligtas na lugar. Ang lahat ng walong daang (800) sugatan ay sinugod sa ospital at kasalukuyang ginagamot.
Salin: Jade