Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

State of the Nation Address ni Pangulong Aquino, pinuri, pinuna

(GMT+08:00) 2013-07-23 17:57:26       CRI

EFFIGY NI PANGULONG AQUINO, SINUNOG NG MGA MILITANTE. Halos naging tradisyon na ang pagsunog sa effigy ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III samantalang idinaraos ang kanyang "State of the Nation Address sa Batasang Pambansa.  Nagkaroon din ng mga nasaktan sa pagsasagupa ng mga pulis at militanteng grupo sa labas ng Batasang Pambansa kahapon.  (Mga larawan ni Roy Lagarde)

MAGKAKAIBA ang reaksyon ng iba't ibang grupo sa naganap na State of the Nation Address kahapon sa pinag-isang sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na isang tapat na talumpati ang ginawa ni Pangulong Aquino kahapon. Hinarap umano ni G. Aquino ang lahat ng isyu at ibinalita ang mga napagwagian sa nakalipas na tatlong taon. Hindi mababago ang lahat sa madaliang paraan. Sumang-ayon siya kay Pangulong Aquino na ginawa na ang mga unang hakbang upang ituwid ang lahat para sa kabutihan ng mga mamamayan.

Bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council, natutuwa umano siya sa paglalaan ng disente, kayang-kaya at ligtas na pabahay sa mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines. Ikinatuwa rin niya ang paalala sa lahat ng naglilingkod sa pamahalaan na manatiling tapat sa kanilang tungkulin.

Ayon sa IBON Foundation, sa halos dalawang oras na talumpati ng pangulo kahapon, walang binanggit tungkol sa interes ng nakararaming mga mamamayan. Ito umano ay nagpapakita lamang ng malaking agwat ni Pangulong Aquino sa napakaraming mga suliranin lalo na ng mahihirap.

Ang ipinagmamalaking kaunlaran sa ekonomiya at pagtaas ng rankings at investment grade ratings at papuri mula sa World Bank ay inaasahan na subalit walang binanggit kung paano malulutas ang kawalan ng hanapbuhay, kakulangan ng trabaho at kahirapan na lahat ay tumaas sa nakalipas na tatlong taon.

Kung inamin ang pagkakaroon ng suliranin, mas madali itong malulutas subalit hindi ito ang naganap. Para sa kanyang imahen lamang ang kanyang anti-corruption campaign kahit na hiniya niya ang ilang mga opisyal ng pamahalaan upang higit na paniwalaan ng madla.

Hindi rin binanggit ang FOI bill, Freedom of Information Bill. Sa sinabi ni Pangulong Aquino na "napakasarap maging Pilipino sa panahong ito," ay nangangahulugan ng kaunlaran ng iilan at kawalan ng kabatiran ng administrasyon sa kalagayan ng karamihan ng mga mamamayan.

Samantala, tatlong obispo naman ang nagsabing hindi nila narinig ang State of the Nation Address sapagkat nasa retreat sila na tumatagal ng isang linggo.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>