|
||||||||
|
||
Hanggang alas-tres ng hapon ngayong araw, tinatayang nasa 780,100 na ang kabuuang bilang ng mga apektadong mamamayan ng lalawigang Gansu, sa dakong hilagang kanluran ng Tsina, dahil sa magnitude 6.6 na lindol. Ang naturang mga apektadong mamamayan ay mula sa 6 na lunsod.
Ayon sa ulat, malaki ang lugar na saklaw ng naturang lindol at malawak ang epekto nito.
Lumitaw din ang mga secondary disaster dahil sa masalimuot na kapaligiran ng nilindol na purok,
Ganap na alas-tres ng hapon ngayong araw, 95 katao ang namatay at 1,366 naman ang naitalang nasugatan.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |