Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at ASEAN: walang humpay na pinapalalim ang bilateral na relasyon

(GMT+08:00) 2013-07-25 17:01:20       CRI
Ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Ang Tsina ang kauna-unahang bansa na nagtatag ng estratehikong partnership sa ASEAN.

Nitong nakaraang 10 taon, sa kabuuan, napapanatili ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN. Natamo ang malaking progreso sa kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangang kinabibilangan ng pulitika, kabuhayan, lipunan, seguridad, at mga suliraning panrehiyon at pandaigdig at iba pa. Sa larangan ng bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, particular na, nakuha ang malaking bunga. Sampung (10) taon na ang nakaraan, ang Tsina ang ika-3 pinakamalaking trade partner ng ASEAN, samantalang ASEAN ang ika-5 pinakamalaking trade partner ng Tsina; Pero, sa kasalukuyan, ang Tsina ang nangungunang malaking trade partner ng ASEAN at ang ASEAN ang ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina.

Sa preskong idinaos noong ika-23 ng buwang ito, sinabi ni Gao Yan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina na noong unang hati ng taong ito, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN ay umabot sa mahigit 210 bilyong dolyares at ang Tsina ang naging nangungunang malaking trade partner ng ASEAN. Pagkatapos maitatag ang Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN noong 2010, isinagawa ng Tsina ang Sero Taripa sa mahigit 90% ng mga panindang inaangkat mula sa mga bansang ASEAN. Lalo pa nitong pinasulong ang pag-unlad ng kalakalan ng dalawang panig.

Kamakailan, nagkaroon ng alitan ang Tsina at Pilipinas sa isyu ng South China Sea, pero, hindi nito naapektuhan ang kooeprasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Pilipinas. Noong 2011, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa ay lumampas sa 30 bilyong dolyares. Bukod dito, ang Tsina ang ika-4 na pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turistang dayuhan ng Pilipinas.

Ang darating na ilang taon ay masusing panahon para sa konstruksyon ng may kaginhawahang lipunan ng Tsina at Komunidad ng ASEAN. Patuloy na nananangan ang Tsina sa patakaran ng pagpapanatili ng mabuting relasyong pangkaibigan sa mga kapitbansa. Ang pag-unlad ng Tsina ay dapat maghatid ng mas maraming benepisyo sa mga kapitbansa. Ito ay nagpapakita na inilalagay ng Pamahalaang Tsino sa mahalagang puwesto ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa kapitbansa, at winewelkam ito ng mga bansang ASEAN.

Salin:Sarah

May Kinalamang Balita
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>