|
||||||||
|
||
Natuklasan na kahapon ang lahat ng nawawalang mamamayan at nailigtas ang lahat ng mga sugatan sa 6.6 magnitude na lindol na yumanig nong Lunes, sa lalawigang Gansu, sa hilagang kanluran ng Tsina.
Sa kasalukuyan, ang pangunahing gawain ay pagsasaayos ng pamumuhay ng mga apektadong mamamayan at pagpapanumbalik sa normal na takbo ng lipunan sa nilindol na lugar.
Ayon sa ulat, naibalik na sa normal ang suplay ng koryente at linya ng mobile communication; unti-unti na ring dumarating at ipinamamahagi sa mga apektadong lugar ang mga relief supplies na gaya ng tolda, malinis na inuming tubig, at kumot. Daglian ding sumugod sa Gansu ang mga grupong medikal, grupong anti-epidemic, at sikolohikal.
Hanggang kahapon, 95 katao ang naitalang namatay, 1,300 ang nasugatan, at mahigit 780 libo ang naapektuhan ng nasabing lindol.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |